Pages

FUNNY:FIND OUT WHY THIS GIRL QUIT HER JOB!





Share ko lang sa inyo ung message at tanong ng isa kong kaibigan sa Facebook last night dahil tingin ko makakatulong to sa mga tanong mo sa sarili mo kung bakit ka ba na i-stress sa trabaho at ano ba ung mga dapat mo ikonsider kung bakit kailangan mo nang umalis sa trabaho mo.


Ito ung Message niya:


Ito ung mga bagay na ikinonsider ko at naramdaman ko nung nagtratrabaho ako and I'm sure nararamdaman mo din ito ngayon:

1. TIME/FAMILY - ito ung pinaka importanteng bagay na ikinonsider ko, buong araw din ako sa trabaho ko dati at nakakita ko ng senyales na nawawalan na ako ng oras sa pamilya ko, lalong lalo na sa anak ko. Naramdaman ko isang araw na nagtatampo at hindi ako kinikibo ng anak ko, lumapit ang Nanay ko at binigyan ako ng listahan ng mag bagay na ipinangako ko sa anak ko na hindi ko na nagagawa dahil sa kulang ang oras ko, napakadami ko na palang hindi nagagawa at puro nalang pangako.

Doon ko naintindihan na hindi kayang palitan ng materyal na bagay ang attention na kailangan ng mga mahal natin sa buhay. Kung hindi ka pa ngayon gagawa ng Quality Time para sa pamilya mo, isipin mo nalang ang pwedeng maging epekto nito pag dating pa ng matagal na panahon.

2. BOREDOM - Naramdaman mo na ba ung tipong ang bigat ng katawan mo pag papasok ka nung opisina? at ung tipong atat na atat ka umuwi? yung tipong lunes pa lang pero gusto mo na mag friday? 

Yaan ang mga naramdaman ko noong nung nawala na yung "PASSION" ko sa trabaho ko dati. Guys kung gusto nyo maging successful sa ginagawa mo, kailangan may Passion ka at mahal mo ang ginagawa mo. Dahil kung napipilitan ka lang sa ginagawa mo for the sake na kumita ka, I'm telling you na hindi ka mag susucceed sa ginagawa mo dahil unang una hindi mo naman ibibigay yung BEST mo diyan at 100% effort mo at syempre maiistress ka lang. 

3. INCOME - Bakit ba naging issue sakin ang Income? Dahil ba maliit ang sahod?
Somehow Oo, pero ang rason kung bakit ako nag quit sa trabaho ay dahil ang income ko ay hindi DEPENDABLE. Babalikan ko lang ulit ung unang kinonsider ko, yung "TIME", kung gusto mo talaga magkaroon ng quality time sa family mo and maibigay ang lahat ng gusto nila at lahat ng pinangarap mo sakanila, kailangan mo gumawa ng Dependable, Ongoing Souce of Income na hindi humihinto kahit hindi ka na nagtratrabaho, at ang bagay na yan ay makukuha mo lang sa pagnenegosyo. 

Maraming nagsasabi na mahirap magnegosyo, pero believe me guys pag ang negosyo mo ginawa mo nang tama ng isang beses, CONGRATULATIONS, you will get paid again and again and again for a very long time.

4. YOUR SKILLS AND EFFORT - Dumating ka na ba sa puntong tingin mo binibigay mo naman ang lahat ng effort mo and lahat ng skills mo, pero at the end of the day wala ka pa ding nararating o position sa company mo? And then meron kang isang kaibigan na tingin mo mas magaling ka pa, mas skillful ka pero bakit mas SUCCESSFUL siya sayo? 
Isa lang ang ibig sabihin nyan friend, YOU ARE NOT IN THE RIGHT OPPORTUNITY. 

Hindi ako naniniwala sa Sipag at Tiyaga, dahil sa totoo lang kung ang Criteria na yan ay totoo e di sana madaming Pinoy na ang Mayaman ngayon.  Kung sa tingin mo masipag ka at matiyaga ka at hindi ka pa din nagsusucceed, it only means na wala ka sa tamang lugar and pinapayaman mo lang yung BOSS mo. YOU DESERVE SOMETHING BETTER. Find an opportunity na kung saan pwede mong i-maximize yung Skills mo at yung tipong pag binigay mo yung 100% Effort mo eh ikaw mismo ang makikinabang at magiging Successful.

5. GROWTH - Sa loob ng tatlong taon ko na pagtratrabaho, dumating ako sa point na sa tingin ko ay para na akong Robot na paulit ulit na lang ang yung ginagawa ko at tingin ko hindi ako nag go-grow. 

Sa bagay na ginagawa mo hindi lang "PAY DAY" ang mahalaga, dapat ay natutulungan ka din nito na magkaron ng mga Experience, Knowledge, Trainings, and Skills na magagamit mo para mas mapaganda ang sarili mong Career and para mag Grow ka as a Professional. Kailangan mong ikonsider kung natutulungan ka ba ng ginagawa mo ngayon para ma-achieve ung mga long term goals mo for your self and para sa pamilya mo. So kung sa tingin mo ay nasa sitwasyon ka na hindi ka nag go-grow and paulit-ulit nalang yung ginagawa mo, well trust me friend, IT'S TIME TO MOVE ON.


-----END-----


I hope this helps you and I hope may natutunan ka and na-realize sa nai-share ko ngayon. 

Kung may mga gusto kang itanong, comment mo lang sa baba and I will try me very best na sagutin ang tanong mo. 



Your Friend, 

Jim Tuano










No comments:

Post a Comment